MAY P783.6 million na halaga ng mga barya ang idineposito sa coin deposit machines (CoDM) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hanggang June 23 ngayong taon.
Sa isang post sa Facebook nitong Biyernes, sinabi ng BSP na ang halaga ay katumbas ng 211.68 million na piraso ng coins mula sa 191,804 transaksiyon.
Inilunsad ng BSP ang CoDM project noong June 20, 2023 upang tugunan ang artificial coin shortage sa ilang lugar sa bansa at makatulong sa pagtiyak na tanging ang ‘fit at legal tender currency’ ang kaagad na available para gamitin ng publiko.
Pinapayagan ng CoDMs ang mga customer na kumbinyenteng ideposito ang kanilang legal tender coins na ike-credit sa kanilang GCash o Maya electronic wallet accounts, o i-convert sa shopping vouchers.
Sinusuportahan ng coin deposit machines ang Coin Recirculation Program ng BSP na naglalayong ibalik sa sirkulasyon ang mga nakatagong barya upang maserbisyuhan ang currency needs ng bansa.
Sa kasalukuyan, ang BSP ay nag-deploy ng 25 CoDMs sa partner retail establishments sa Greater Manila Area.
Ang mga ito ay matatagpuan sa Robinsons Place Metro East, Pasig City; Robinsons Place Novaliches, Quezon City (QC); Robinsons Place Antipolo, Rizal; Robinsons Place Magnolia, QC; Robinsons Place Ermita, Manila; Robinsons Place Galleria, Ortigas; Festival Mall, Muntinlupa City; SM Megamall, Mandaluyong City; SM City Grand Central, Caloocan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Taytay, Rizal; SM Hypermarket FTI, Taguig City; SM Southmall, Las Piñas City; SM City Sucat, Parañaque; SM City Calamba; SM City Marikina; SM City San Mateo, Rizal; SM City Valenzuela; SM Mall of Asia, Pasay City; SM City North EDSA, QC; SM City Fairview, QC; SM City San Lazaro, Manila; SM City Bicutan, Parañaque; at SM City Bacoor, Cavite.