P7M-P11M PARKING FEES NAKOKOLEKTA SA MAYNILA

Isko Moreno

IPINAGYABANG ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso na umaabot sa P7 hanggang P11 milyon kada buwan ang nakokolekta ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa parking tickets pa lamang.

Sinabi ni Moreno na napakalaki umano ng diperensiya sa dating P500,000 hanggang P900,000 kada buwan na nakokolekta nang nakalipas na administrasyon.

“Nagbawas pa kami ng mga parking spaces diyan dahil sa Mabuhay Lane. Ngayon ‘sokpa” lahat sa lungsod ang koleksiyon,” ayon kay Moreno.

Sa ulat ni MTPB chief Dennis Viaje “as of November, the total collection reached P79,766,119 million. This covers the period of from July to November and registered an increase of P62,271,459 million or 455.95 percent, compared to the same five-month period last year where the income was only P17,494,660.”

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Moreno ang publiko na huwag magbayad sa mga tolonges.

“Humingi po kayo ng resibo ng pinagbayaran ninyo, maging tapat lang kayo kung gaano kayo katagal na magpa-park,” ayon kay Moreno. VERLIN RUIZ

Comments are closed.