UMAPELA kahapon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuter na na-papanahon nang ibalik sa dating P8.00 ang pamasahe sa mga pampasaherong jeep.
Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo RJ Javellana Jr., noon pang nakaraang linggo sila nagharap ng petisyon sa LTFRB para irolbak sa P8 ang minimun na pamasahe sa jeep.
Paliwanag ni Javellana na ito ay nararapat dahil noon pang Mayo 2008 ang halaga ng diesel ay P46.50 at ang pasahe ay P8 kaya nagtataka ito kung bakit hindi pa kumikilos ang LTFRB sa naturang usapin.
Limang linggo nang sunod-sunod na bumababa ang presyo ng diesel at ngayon ay umaabot sa mahigit P44 kada litro sa kasalukuyan.
Inaasahang sa susunod na linggo batay na rin sa projection ay magbabawas pa ng minimum na P.70 sa susunod na linggo.
Matatandaan na nag-anunsiyo na rin ang pamahalaan na tatanggalin ang excise tax sa petrolyo ng dalawang piso.
Iginiit ni Javellana na mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanawagan na pag-aralan muli ng LTFRB ang pagbawi sa dagdag na P2 sa pasahe dahil lahat ng indikasyon ay nandiyan na. VERLIN RUIZ
Comments are closed.