NAPAG-ALAMAN na ang P8.1 bilyon na ginamit para pampondo sa ghost project na health centers sa buong bansa ay inilabas kasabay ng pondong P3.5 bilyon para naman sa Dengvaxia.
Magkasunod ang Special Allotment Release Order (SARO), ang para sa ghost Barangay Health Station Project ay may SARO Number na 150028813, samantalang ang para sa Dengvaxia naman na pumapatay ng mga batang Filipino ay may SARO Number 150028814. Malinaw na may conspiracy, na hindi kayang gawin ng iisang tao lamang ang ganitong klase ng ‘milagro’ sa pagpapa-release ng bilyon-bilyong pisong budget.
Ngunit ang pangamba ng taumbayan ay kahit pa nga malinaw na bilyon-bilyong piso ang nabubulgar na winaldas ng gang ni Noynoy Aquino at daan-daang libong mga musmos ang inilagay nila ang mga buhay sa panganib, ay mukhang magagaan ang mga kasong isinasampa sa kanila. Hindi ba nararapat sana ay plunder, multiple homicide, dapat pa nga sana ay genocide dapat ang kaso ng mga ‘yan, e. Kasi halimbawa kung plunder ang kaso ng gang ni Noynoy, e katigan lamang ng prosekusyon ay swak agad sa selda ang mga ‘yan, at no bail ang kasong ‘yan. Samantala, aprubado na ng Kongreso ang P1.1 bilyon na pondo para sa mga biktima ng Dengvaxia. Ang pondo ay magsisilbing contingency fund ng mga pamilyang may miyembro na nabiktima ng Dengvaxia.
Bukod sa pondong ito na para sa medical needs ng 800,000 na naturukan ng Dengvaxia, huwag sa¬nang kalimutan ang pananagutan ni Noynoy kasama ang mga miyembro ng kanyang Dengate Gang ukol sa unti-unting lumilinaw na maaaring multi-bilyong pisong scam na ito.
Tunay naman kasing tumitining at lumilinaw ang pananagutan ng gang ni Noynoy sa pagkakainiksiyon sa may 837,000 mga batang Filipino ng peligrosong Dengvaxia experimental vaccine at coincidence sa paggalaw sa multi-bilyong pondo ng Philhealth para sa ghost projects. Plunder at genocide talaga ang nararapat na kasong kinakaharap ng mga sangkot dito.
Ayon sa imbestigasyon sa Senado: 1) alam na ng mga nagsabwatan na may ebidensiya na delikado ang Dengvaxia sa mga seronegatives o mga taong hindi pa nagkaka-dengue bago pa man pinilit na isyuhan ito ng Certificate of Product Registration ng Food and Drug Administration na kontrolado ni Garin, 2) ang Phase 3 trial ng Dengvaxia ay hindi pa tapos kung kaya malinaw na isinugal ang buhay ng ating mga kababayan para sa sariling kadahilanan ng gang ni Noynoy, 3) mahiwagang hindi lumalabas sa mga local analyses ang mga ebidensiya na nakasasama ito sa mga sero¬negatives at 4) ang World Health Organization ay hindi dapat inirekomenda ang Dengvaxia maging sa mga lugar na may high prevalence ng dengue.
Inamin na rin naman ng kompanyang manufacturer ng Dengvaxia, bagama’t huli na, na nakasasama ang Dengvaxia para sa mga seronegative o mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Kaya sa pag-aming ito ang lahat ng nagkakasakit at namatay na mga seronegative ay kagagawan ng Dengvaxia, malinaw ‘yan hindi na kailangan pang palalimin pa ang imbestigasyon. Sa mismong salita na lamang ng manufacturer ay swak na sa korte ang mga ito at ang kanilang mga kinasabwat sa pamahalaan upang mapadali ang pagtuturok nito sa mga batang Filipino.
Sinabi na rin ng ekspertong si Dr. Scott Halstead na napagsabihan na ang manufacturer ng Dengvaxia sa maaaring health disaster nito sa bansa ngunit itinuloy pa rin at nakamamangha ang dami ng mga pinagtuturukan.
Ngayon na sunod-sunod na mga bata ang nangamamatay ay nine¬nerbyos ang mahigit sa 800,000 na pamilyang Filipino. Ang hinihintay ng taumbayan ay ang pagpapanagot sa batas ng mga dapat managot mula sa pamahalaan at Sanofi, at bukod sa ibalik ang pondo ng pamahalaan ay bayaran ang mga danyos perwisyo na idinulot nito sa bawat apektadong pamilyang Filipino na naulila at ang iba naman ay hindi mapagkatulog sa pag-aalala para sa kanikanilang mga kaanak. Hindi mababayaran ang katiwasayan, lalo’t ibayong ligalig at kawalan ng kapayapaan ang dinala ng Dengvaxia sa higit 800,000 tahanan sa bansa.
Comments are closed.