HUMIGIT-kumulang 5 million New Taiwan Dollar o P8.3 milyon ang matatanggap na kompensasyon ng bawat pamilyang mangingisdang Pinoy na nasawi sa pagguho ng tulay sa Taiwan kamakailan lamang.
Nabatid na manggagaling ang nasabing kompensasyon sa Taiwan International Ports Corporation.
Maliban dito, tatanggap din ang pamilya ng tatlong Pinoy na nasawi sa trahedya ng financial at burial assistance mula sa Philippine government at inaasikaso na rin ng Manila Economic and Cultural Office ang pagpabalik sa bansa sa bangkay ng mga mangingisda.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima sa filipinas at Indonesia ang Ministry of Foreign Affairs sa Taiwan at pinasiguro na magbibigay ng assistance ang overseas offices sa naiwang pamilya ng mga biktima.
Samantala, napag-alaman na maliban sa pamilya ng mga napatay na Pinoy fishermen ay tatangap din ng kompensasyon ang ibang mangingisdang Pinoy na nasugatan sa trahedya.
Comments are closed.