P8.5-M PEKENG BRANDED FOOTWEARS NASAMSAM NG NBI

NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI)-Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang mga pekeng branded na sapatos na nagkakahalaga ng P8.5 milyon sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng NBI nitong Biyernes, isinilbi nila ang 34 search warrants sa limang tindahan na iniimbestigahan sa kasong trademark infringement o paglabag sa karapatan ng mga orihinal na tatak.

Sa naturang operasyon, nasabat ang kabuuang 1,502 pares ng pekeng sapatos na may brand na Adidas, Vans, Puma at New Balance.

“The search was conducted peacefully in the presence of representatives and witnesses who signed the inventory” pahayag ng NBI.

Isinagawa ang operas­yon matapos ang reklamong isinampa ng Lee Bumgarner Inc. (LBI), isang kumpanyang nakabase sa Pilipinas.

RUBEN FUENTES