P8.9-B  ECO-AIRPORT BUKAS NA

Bohol Panglao Airpor

BINUKSAN na kahapon ang pinakabago at unang eco-airport sa bansa na matatagpuan sa Panglao Island sa Bohol.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang P8.9-billion Bohol Panglao Airport ay 99 porsiyento nang tapos at nakahanda nang mag-operate matapos ang inagurasyon nito.

Tinawag na ‘Green Gateway to the World’, ang airport ay may solar technology upang patakbuhin ang hot wa-ter supply system nito, na pumipigil sa paglalabas ng 18 toneladang carbon dioxide kada taon.

Bilang bahagi ng ecosystem nito, ang landscape ng Bohol-Panglao International Airport ay kinabibila­ngan ng 1,700 puno, libo-libong shrubs, at 11 ektarya ng damuhan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), magmula ngayong araw, ang lahat ng flight sa da-ting Tagbilaran Airport sa Bohol ay ililipat sa Panglao International Airport.

Sinabi ng CAAP na ang Bohol Panglao International Airport ang  magiging commercial airport sa lalawigan ng Bohol.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng CAAP ang lahat ng mga pasahero sa dating Tagbilaran Airport na direktang magtungo sa Bohol Panglao Airport.

Dagdag pa ng CAAP, maaari na ring kumuha ng tickets ng PAL sa Panglao Airport kung kinakailangan, at walang re-issue o kaya ay re-route tickets.                  FROILAN MORALLOS

Comments are closed.