Ni: Mark Lester F. Tejada
Mandaluyong City. Kilala bilang isa sa pinakamatandang siyudad sa bansa at pinakamalaki sa probinsya ng Laguna, isa na ang San Pablo City sa tahanan ng isang bagong masuwerteng manlalaro at ngayo’y milyonaryo matapos mahulaan ang anim na tamang kumbinasyon na 36-17-29-28-12-05 ng Mega Lotto 6/45. Ang nasabing draw ay binola noong Lunes, ika-25 ng Abril, 2022 sa Philippine Sweepstakes Charity Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Ang masuwerteng tiket ay may jackpot prize na nagkakahalagang P8,910,000.00.
Kabilang sa mga nanalo at makakatanggap ng consolation prizes ay ang mga sumusunod na bilang: 41 na manlalaro ang makakatanggap ng P32,000.00 bawat isa matapos nilang mahulaan ang limang tamang kumbinasyon, P1,000.00 bawat isa naman para sa 1,471 na indibidwal na nakakuha ng apat na tamang numero. Hindi man nakuha ang jackpot prize, masuwerte pa rin ang 22,404 na manlalaro matapos mahulaan ang tatlong tamang kumbinasyon at makakuha ng P30.00 bawat isa.
Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes via PTV-4 live telecast, 9PM.
Para makubra ang napanalunang premyo, dapat isulat ng malinaw ang pangalan at lagdaan ng mga nanalo ang likod na bahagi ng nanalong tiket bago magtungo sa lotto outlet or sa tanggapan ng PCSO.
Siguraduhin din na magdala ng dalawang valid government IDs para sa beripikasyon.
Ang PCSO ay nagpapaalala na may kaakibat na 20 percent tax ang napanalunang jackpot prize alinsunod sa TRAIN LAW.
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO, mangyaring bisitahin ang PCSO official website at PCSO FB page, at ang PCSO GOV channel sa Youtube.
“Tulong at malasakit sa bawat pagtangkilik. Mga larong tunay na may puso.”