P80-B UTANG NA BUWIS MAKOKOLEKTA NA SA TAX AMNESTY ACT OF 2019

INIULAT ng Department of Finance (DOF) ang tinatayang P80 billion na halaga ng  tax delinquencies na naka-pending sa mga libro ng Bureau of Internal Revenue (BIR),  na maaari na ngayong makolekta sa ilalim ng Republic Act (RA) 11213 o ang  Tax Amnesty Act of 2019.

Sa Tax Management Association of the Philippines, Inc. (Tmap) General Membership meeting sa Makati Diamond Residences noong Huwebes, ipinaliwanag ni Finance Undersecretary Mark Dennis Y.C. Joven na may P80 billion na tax delinquencies ang nakahain sa BIR base sa pagsasaliksik ng DOF.

“From our research, there’s around P80 billion worth of delinquencies pending in the books of the BIR. And this is not moving, probably in the last decade or so, and if at all, it increases. We also have the BIR’s batting average on tax evasion cases, which we know is not very good. So we needed a mechanism to ensure that we clear the dockets and free the time of BIR employees to pro-ceed against really errant taxpayers and involving more recent cases,” ani Joven.

Paliwanag niya, bagama’t hindi na makukuha ang buong P80 billion dahil ilan sa delinquencies  na ito ay maaaring hindi na matagpuan, o patay na ang taxpayer, makakakolekta pa rin ang pamahalaan ng revenues para pondohan ang mga programa nito.

“We won’t be able to capture 100 percent. There’s a percentage of it with a certain likelihood. Just like bad debt, there is only a portion that you can collect…But it’s already big as to not being able to collect it,” dagdag pa niya.

Aniya, sa pagsasabatas sa Tax Amnesty Act of 2019, ang mga delinquent taxpayer ay maaaring mahikayat na mag-avail ng am-nesty dahil makatutulong ito upang muli silang makapagsimula.

“The other key component of RA 11213 is the tax amnesty on delinquencies. The tax amnesty on delinquencies intends to wipe the slate clean for availing taxpayers. It also helps the government unclog administrative and judicial dockets of slow moving cases,” sabi pa ni Joven.

Nauna rito ay sinabi ng DOF na ang potential revenues mula sa pagpapatupad ng Tax Amnesty Act of 2019 ay tinatayang nasa P27.54 billion, mas mababa sa P63.5 billion sa ilalim ng original amnesty proposal nito.

Ipinaliwanag ni Joven na ang potential revenues mula sa RA 11213 ay bumaba sa P27.54 billion dahil sa exclusion ng general tax amnesty, pag-aalis ng  bank secrecy law, at sa automatic exchange of information (AEOI) provisions.

Samantala,  ang bicameral conference approved bill na nagtanggal lamang sa probisyon sa pag-aalis ng bank secrecy law at AEOI at pinanatili ang iba pang provisions na ipinanukala ng DOF,  ay inaasahang makalilikom ng tinatayang P34.34 billion na revenues.

Ang tax amnesty measure na ipinanukala ng DOF, na nasa ilalim ng Package 1B ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) nito, ay kinabibilangan ng measures sa estate tax amnesty na tinatayang makalilikom ng P6.28 billion, general tax amnesty na may P13.63 billion, tax amnesty sa delinquencies na may P27.16 billion, pag-aalis ng  bank secrecy law para sa mga kasong kriminal, gayundin ang AEOI na may P16.6 billion.

 

Comments are closed.