P80-M IMITATION PRODUCTS WINASAK

IMITATION PRODUCTS

CAMP CRAME – AABOT sa P80 milyon ang halaga ng mga produktong imitation mula sa mga signature brands ang winasak sa  national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City.

Pinangunahan nina PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, Intellectual Property Office of the Philippines Director General Josephine Santiago at Deputy Director General Atty. Teodoro Pascua ang ceremonial destruction.

Kasamang sinira ang mga pekeng  Louis Vuitton bags, wallets, cellphone cases; pekeng mga sapatos, pekeng Rolex , pirated DVDs; branded cutting blades, pekeng Lacoste shirts, bogus na sigarilyo at pekeng sabon.

Ang nasabing mga produkto ay nasabat sa mga isinagawang operas­yon noong nakaraang taon. REA SARMIENTO

Comments are closed.