ISANG naiibang regalo ang handog ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga Manilenyong senior citizens.
Kasunod ito ng paglagda ni Manila Mayor Isko Moreno ng Ordinance No. 8570 kung saan pagkakalooban ng P800 birthday cash gift ang mga senior citizen ng Maynila.
Sinaksihan naman ito nina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua at mga miyembro ng Manila City Council.
Ayon kay Moreno, upang maging kumbinyente ang mga senior citizen ay magpapatupad ng isang teknolohiya para sa pagbibigay ng birthday gifts.
“If Makati can do it, why not Manila? I hope you don’t get a bad impression of me copying this. Ako naman, hindi mahihiya kapag nangongopya,” ayon pa sa alkalde sa kanyang paglagda.
“Para sa kapakinabangan ng mga taga-Lungsod ng Maynila, hindi kami mahihiya mangopya (mula sa ibang lungsod). Basta sa mga estudyante, huwag mangopya,” pahayag pa niya.
Sa ilalim ng Ordinance No.8570, ang mga residente ng lungsod na nasa edad 60 ay makakakuha ng birthday gift na P800 na ibibigay ng cash ng lokal na pamahalaang lungsod.
“The city government shall appropriate funds therefore which shall be used for the above purposes mandated by this ordinance in the city’s annual budget, and every year thereafter,” nakasaad sa ordinansa.
Magiging epektibo ang nasabing ordinansa sa 2020. PAUL ROLDAN
Comments are closed.