CAGAYAN – DAHIL sa pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na paputok ng Police Regional Office (PRO)-2 at Regional Civil Security Unit (RCSU-2), aabot sa P8,000 halaga ng paputok ang nakumpiska sa Region 2.
Lubos namang nagpapasalamat si Regional Director Brigadier Gen. Angelito A. Casimero dahil ito ay pagpapakita ng kanyang mga tauhan sa ipinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na paputok upang makakumpiska ng mga ipinagbabawal na paputok.
Ang pagsira sa mga nakumpiskang mga ilegal na paputok na isinagawa sa PRO-2 granstand, sa Camp Adduro, Tuguegarao City, Cagayan, pangunahing na ang firecrackers and pyrotechnic devices na kinabibilangan ng piccolo, happy balls, Luces, higad, pillbox, judas belt, missile shot, paper cups, five star, pop pop at balls firecracker.
Ayon kay P/Brig. Gen.John Cornelius Jambora, Deputy Regional Director for Administration, katuwang nila sa pagwasak ng mga ilegal na paputok ang Bureau of Fire Protection (BFP) region 2 at BFP Tuguegarao City.
Sinabi naman ni P/Lt. Col. Froilan Uy, Officer-in-Charge ng Regional Civil Security Unit na ang mga serye ng operasyon na isinagawa ng RCSU 2 at PRO2 sa buong rehiyon ay lubos na nakatulong sa pagbaba ng bilang ng mga nasugatan sanhi ng paputok na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Pasko.
Ang pagsira sa mga ilegal na paputok ay hindi lamang para palakasin ang antas ng kamalayan sa mga industriya ng paputok kundi dagdagan ang kamalayan sa kahalagahan ng kaligtasan sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnic.IRENE GONZALES
Comments are closed.