P802-M CASH AID SA PUV OPERATORS NAIPAMAHAGI NA NG LTFRB

LTFRB-1

MAHIGIT sa P802 million na cash subsidy ang naipamahagi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicle (PUV) operator sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang subsidiya ay direktang ibinigay sa mga bus, jeepney at PUV operator na ang kabuhayan ay naapektuhan ng pandemya.

Hanggang noong Disyembre 3, natanggap ng mga operator ng 123,517 PUV units ang  cash subsidy na may kabuuang halagang P802,860,500.

May kabuuang P1.158 billion ang inilaang cash aid sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act or Bayanihan 2.

“Tuloy-tuloy lang po ang pamimigay ng subsidiya sa mga PUV operators na lubhang apektado ang kabuhayan ng kasalukuyang pandemya. Patunay po ito sa nais ng pamahalaan na sila ay tulungang makabangon. Hindi po sila pababayaan habang dumaranas tayong lahat ng pandemya,” wika ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Aniya, sa mga susunod na araw ay matatanggap naman ng mga operator ng 17,612 PUV units ang kanilang  cash subsidy. Bahagi ito ng P917,338,500 ‘obligated’ para sa  PUV operators.

Sa ilalim ng  Direct Subsidy Program, ang bawat operator ay pagkakalooban ng  P6,500 per PUV unit na nasa ilalim ng kanyang prangkisa.

Comments are closed.