P80K CASH INCENTIVE SA MGA OCTOGENARIAN

ITINUTULAK ng isang mambabatas ang pagpapasa ng isang panukalang batas na magkakaloob ng P80,000 cash incentives sa lahat ng Filipino sa kanilang ika-80 kaarawan.

Ayon kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, inihain niya ang House Bill 907 upang maipagkaloob ang kaparehong financial benefits na ibinibigay sa mga centenarian sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 10868.

Pinuri ni Lagon ang pagpasa sa RA No. 10868, subalit sinabi niyang kakaunting Pinoy lamang ang nabubuhay ng ganitong katagal upang ma-tanggap ang special benefits na ito.

“While the intention of the law is very commendable, very few Filipinos get to live long enough to enjoy these benefits. It should be noted that many of those who are lucky enough to qualify for the benefits no longer have mental faculties to enjoy and appreciate the cash gift,” anang mambabatas.

Sa datos ng World Health Organization (WHO) na nalathala noong 2018,  ang average ng life expectancy ng mga Pinoy ay 69.3 years old.

Layunin ng panukala na magkaloob ng octogenarian gift na P80,000 sa mga Pinoy na aabot sa edad na 80 kung saan ang nasabing halaga ay iba-bawas sa Centanarian gift sakaling makuha niya ang naturang benepisyo.

Sa ilalim ng panukala, ang pondong kakailanganin sa pagpapatupad nito ay kukunin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa annual General Appropriations Act.

“Our intention in filing HB No. 907 is to make the cash gift more accessible to more Filipinos and enable them to enjoy it during the twilight years of their lives where medicines and other necessities are more urgent,” ani Lagon.

Sa ilalim ng Centenarian Act of 2016, ang mga Pinoy na umabot sa edad na 100 naninirahan man sa Filipinas o sa ibang bansa ay tatanggap ng cash incentive na  P100,000.

“It should also be noted that many of those who are lucky enough to qualify for RA No. 10868 no longer have the mental faculties to appreciate and enjoy the cash gift,” dagdag pa ng mambabatas.            JOVEE MARIE N. DELA CRUZ

Comments are closed.