P81-M PINSALA SA INFRA NI ‘NENENG’

Typhoon Mangkhut

UMAKYAT na sa mahigit 29,000 ang bilang ng mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Neneng, habang pumalo sa mahigit P81 million ang pinsala sa imprastruktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat ng NDRRMC, hanggang alas-8 ng umaga kahapon, nasa 103,662 katao o 29,544 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sinabi pa ng council na may 1,124 farmers at fisherfolk ang naapektuhan ni ‘Neneng’ habang napinsala ang 503.57 ektarya ng pananim.

Sa kasalukuyan, ang tinatayang losses sa agrikultura ay umabot na sa P7,687,525, na may P5,000 damage sa livestock, poultry, and fisheries.

Gayunman, sa pagtaya ng Cagayan officials ay mahigit sa P174 million ang halaga ng agricultural damage sa kanilang lalawigan pa lamang dahil sa bagyong Neneng at Tropical Depression Maymay.

Ayon sa NDRRMC, pumalo rin sa sa P81,555,000 ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastruktura.

May 61 lugar sa Cagayan Valley ang lubog pa rin sa baha, habang 13 lungsod at bayan sa Ilocos region ang patuloy na nakararanas ng power interruptions.

Si ‘Neneng’ ay nanalasa noong weekend at lumabas ng bansa Linggo ng gabi.