P82.5-B PARA SA MASSIVE IMMUNIZATION (Tiniyak ni Duterte para makaligtas sa COVID)

DUTERTE41

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng bansa laban sa coronavirus disease.

Ito ay sa pamamagitan ng massive immunization o pangmalawakang pagbakuna sa sambayanang Filipino nang matapos na ang pandemya.

Sa katunayan, aabot sa P82.5 bilyon ang ibubuhos ng pamahalaan para mabakunahan ang milyon- milyong Filipino.

Handa naman ang Pangulo na ilahad kung saan siya kukuha ng ganoong pondo at ito aniya ay magmumula sa unprogrammed funds; foreign multi-lateral and bilateral loans at domestic loans.

“Inisa-isa rin ng Pangulo kung paano gagastusin ang halaga at ang P70 bilyon aniya ay gagastusin sa logistics and other supplies na mula sa 2021 General Appropriations Act; Department of Health (DOH), P2.5 bilyon; at ang Bayanihan 2 na itutuloy na paglalanan ng P10 bilyon.

Naniniwala ang Punong Ehekutibo na sapat na ang P82.5 bilyon para labanan ang pandemya.

“Lahat-lahat mayroon tayong P82.5 bilyon para sa COVID. Palagay ko sapat na ‘yan,” ayon sa Pangulo

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga private entity at ilang indibidwal na tumulong sa pamahalaan para maibsan ang epekto ng pandemya.

Kabilang sa pinasalamatan ng Pangulo ang mga negosyanteng sina Manuel Pangilinan, mga Ayala, Joey Concepcion, Aboitiz Group, Unilab at iba pa.

“Pangilinan and the Ayalas are providing well-experienced supply chain managers and consultants to help the government in its mass immunization program,” ayon sa Pangulo.

“Pasalamat tayo for those persons mentioned and the agencies who are trying to — who are there to help us in the — well, in the vaccination of the population. Kailangan kasi ‘yan ng organization eh. You have to have a structural thing there,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Muli namang iginiit  ng Chief Executive  na hindi magiging sapilitan ang pagbabakuna at ang ayaw sumalang sa  COVID 19 vaccine ay hindi pipilitin. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.