UMAABOT sa P821.15 million ang halaga ng mga ilegal na kargamento na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ulat ng BOC-NAIA, sa nasabing halaga, P430.8 million ay nagmula sa nakumpiskang mga eroplano at P308.3 million ay mula sa illegal drugs noong 2018 at 2019.
Samantala, ang nalalabing P82.05 million ay galing sa mga nasabat na meat products na walang sanitary at phytosanitary (SPS) import clearance, mga na-intercept na illegal wildlife species, cellphones na walang National Telecommunications Commission (NTC) permit, at unregistered beauty products, guns at ammunitions.
Sa taong ito ay umaabot na sa P29.5 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang illegal goods sa iba’t ibang bodega sa NAIA. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.