P822.2 B PANTUSTOS SA INFRA PROJECTS

ASAHAN ang kabi-kabilang proyektong impraestruktura sa susunod na taon para matiyak ang socioeconomic development makaraang ipanukala ang P822.2-billion budget sa Department of Public Works and Highways.

Una nang nilinaw ng Department of Budget and Management na ang proposed 2024 National Expenditure Program (NEP) ay naglaan ng P822.2 billion para sa DPWH, isa sa key agencies na inaasahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.para makamit ang kanyang 8-Point Socioeconomic Agenda na lilikha ng tabaho, makapagpapatipid ng transport and logistics costs sa ilalim ng Build Better More Program.

Idiniin naman ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pangangailangan ng pagkakaroon ng mga karagdagang public facilities, kasama na ang kalsada at tulay upang tuluyang makarekober ang bansa mula sa nagdaang pandemya.

“As highlighted by the President during his second State of the Nation Address (SONA), infrastructure development is one of the key drivers of our continuing economic growth. As such, we will sustain this momentum through the Build Better More Program. This will prioritize physical connectivity infrastructure such as road networks and railway systems,” anang DBM Secretary.

Ang gampanin ng DPWH ay iangat ang infrastructure development, gayundin ang maipagpatuloy at matiyak na ligtas ang operations para sa reliable national road system, at proteksiyonan ang buhay at ari-arian laban sa major floods.

Kabilang sa major program ang Flood Management na binuhusan ng P215.643 billion para sa 965 projects para sa construction o rehabilitation ng flood mitigation facilities sa mga pangunahing river basins at principal rivers.

Sumunod ang Convergence and Special Support Program na bubuhusan ng P174.089 billion.
P148.112 billion naman ang itutusto sa Network Development para sa konstruksyon ng 721.656 kilometers ng mga bagong kalsada at paglalapawak ng 647.288 kilometers.

P115.588 billion naman ang inilaan sa Asset Preservation, para sa preventive maintenance ng 1,196.398 kilometers of roads at upgrade ng 798.711 kilometers ng damaged paved roads.

Kasama rin ang P45.839 billion allocation para sa Bridge Program habang may bukod na P13.968 billion na inilaan sa Tourism Road Infrastructure Program.

Nasa P10.020 billion naman ang itutustos para sa Roads Leveraging Linkages for Industry and Trade Infrastructure Program; Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Program for military and police facilities, P3.8 billion; Special Road Fund para sa konstruksyon ng iba’t ibang kalsalda tulay at road drainage na P15.232 billion.EVELYN QUIROZ