P850 MILLION NA FAKE GOODS NASABAT SA MAYNILA AT PARAÑAQUE

BOC-1

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang mga pekeng gamit na nagtataglay ng ilang international brand names sa loob ng warehouses sa Binondo, Manila at Para­ñaque City kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na sinikap ng mga ahente na gawin ang operasyon kasunod ng isang reklamo mula sa brand representatives ng  sports apparel giant na Nike tungkol sa knock-offs.

“This prompted our intelligence team to conduct an investigation on the subject warehouse units,” sabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Nadiskubre ng mga ahente ang 2,500 sako ng pekeng damit na nagdadala ng kilalang brands tulad ng Nike, Adidas, Under Ar-mour, Polo Ralph Lauren, Supreme, Roxy, Marvel, Hello Kitty, at Billabong, ilan sa mga ito.

Ang mga gamit na nasamsam ay tinatayang nagkakahalaga ng P700-million.

Samantala, P150 million halaga ng mga pekeng gamit na nagtatag­lay ng mga brand name tulad ng Nike, Adidas, Red Bull, Tsingtao, HP, Heineken, Oakley, Under Armour, Champion, Tribal, Bench, Peppa Pig, Disney Minions, Disney-Minnie Mouse, Cetaphil, Spiderman, Oneal, at Jaguar ang nasabat naman sa dalawang warehouses sa Steelhauz Compound sa Meliton Espiritu Street, Sucat, Parañaque.

Ang mga nakumpiskang gamit ay nasa ilalim na ngayon ng customs control for safekeeping at dadaan sa seizure at forfeiture proceedings sa paglabag sa batas ng customs.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o ng Intellectual Property Code of the Philippines, ang fake goods ay mahigpit na ipinagbabawal.

Comments are closed.