ZAMBOANGA DEL NORTE- PATULOY ang isinasagawang mga pagpapaganda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapalapad ng mga kalsada partikular sa dalawang kalye sa munisipalidad ng Liloy.
Ayon sa ulat ni DPWH Region 9 Director Cayamombao Dia, natapos na ng DPWH Zamboanga del Norte 3rd District Engineering Office ang pagpapalawak ng 3-kilometrong bahagi ng Sindangan-Liloy Road mula sa dalawang lanes hanggang sa apat na lanes.
Ang karagdagang espasyo sa kalsada ay nagsisilbi na ngayon sa mas malaking bulto ng mga sasakyan, nagpapagaan ng pagsisikip ng trapiko.
Nakumpleto rin ang portland cement concrete paving ng isang 942.9-linear meter na kalsada sa Barangay Tapican.
Sa pamamagitan ng kongkretong kalsada, mas maihahatid na ng mga lokal na magsasaka sa lugar ang kanilang mga produktong pang-agrikultura tulad ng niyog sa mga karatig barangay at pampublikong pamilihan. PAULA ANTOLIN