P86.9-B BUDGET SURPLUS

BTr-1

NAKAPAGTALA ang gobyerno ng P86.9-billion budget surplus noong Abril sa pagbaba ng spending ng 15 per-cent dahil sa pagkakaantala ng pagpasa sa 2019 budget, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa pahayag ng BTr, ang budget surplus na naitala noong nakaraang buwan ay mas mataas ng 87.6 percent o P40.6 billion kum­para sa P46.3 billion noong 2018.

Ang surplus noong nakaraang taon ay nagpababa sa year-to-date budget gap sa P3.4 billion, malayong-malayo sa P105.9-billion deficit na naiposte sa kaparehong panahon noong 2018.

Sinabi ng BTr na ang government expenditures noong Abril  ay bumaba sa P221.8 billion, mas mababa ng 15.1 percent mula sa P261.2 billion.

“Part of the slower spending was still due to the four-month delay in the passage of the 2019 National budget which constrained the government in implementing new programs and projects,” paliwanag ng ahensiya.

Sa pagkakaantala ng 2019 budget,  ang total government spending para sa January-April period  ay nasa P999.8 billion, bumaba ng 3% year-on-year.

Samantala, ang interest payment ay naitala sa P23.5 billion, mas mataas ng  1.6 percent dahil sa coupon pay-ment para sa Treasury bonds na inisyu noong nakaraang taon.

Kung pagsasama-samahin, ang interest payments ay tumaas ng 9.1 percent sa P131.3 billion.

Umabot naman sa P308.7 billion ang government revenues, mas mataas lamang ng P1.1 billion kumpara sa koleksiyon noong nakaraang taon.

Ang aggregate revenues para sa unang apat na buwan ng taon ay nasa P996.4 billion, mas mataas ng 7.4 per-cent sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang tax collections ay nag-ambag sa 90.8 percent ng kabuuang revenues, habang ang nalalabing 9.2%  ay na-likom mula sa non-tax sources.

Ayon pa sa Treasury, ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Abril ay tumaas ng 1.2 per-cent sa P235.5 billion, habang ang Bureau of Customs (BoC) ay nakakolekta ng P51.7 billion, mas mataas ng 10.4 percent kumpara noong nakaraang taon.

Ang year-to-date revenues ng BIR ay nasa P703.7 billion, mas mataas ng 7.3 percent mula sa P655.7 billion noong nakaraang taon.

“The agency’s strong performance for the period was attributed to its stringent monitoring and continuing efforts to enhance revenue-collection capabilities and intensified control measures against undervaluation, misdeclaration and other forms of technical smuggling,” sabi ng BTr.