P86-M ‘SMUGGLED’ SUGAR NASABAT NG BOC

NASA P86 milyong ha­laga ng smuggled sugar lulan ng tatlumpung 20–foot container van ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic sa pamamagitan ng BOC Intelligence Group (IG) at Enforcement Group (EG) na nagmula sa Hong Kong .

Dahil sa Derogatory reports mula IG at EG ay agad na nagpalabas ng re-Lodgment Control Orders si District Collector Maritess T. Martin laban sa 30 na 5×20’ containers na una nang idineklarang slipper outsoles at styrene butadiene rubber subalit hinihinalang naglalaman ito ng asukal.

Sa sinagawang non-intrusive examination at 100% physical examination ay nalantad ang 15,648 bags/sacks ng Refined Sugar.

Dahilan upang irekomenda na mag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento.

Kasama sina Port of Subic District Collector Maritess Martin, Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary James Layug, at kinatawan ng Sugar Regulatory Agency sa isinagawang physical examination.

Nabatid na nag-isyu ng Warrants of Seizure and Detention (WSD) laban sa nasabing shipments dahil sa paglabag sa SRA at BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002 dated August 16, 2002, and Section 1400, in relation to Section 1113 (f) of the Republic Act No. 10863, otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). VERLIN RUIZ