KALINGA- AABOT sa kabuuang halaga na P 862 milyong marijuana ang winasak ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine-Northern Luzon Command sa pangunguna ng Philippine Air Force Tactical Operation Group 2 sa lalawigang ito.
Ayon kay Lt.Gen Fernyl Buca , pinuno ng AFP-NOLCOM , ang isinagawa sampung araw na anti-narcotics operation na pinangunahan ng Philippine Army At Philippine Air Force ay masasabing “largest single marijuana eradication” sa kanilang kasaysayan kung saan binunot at sinunog ang mga marijuana sa isang plantation sa Mount Chumanchil sa Barangay Loccong at Barangay Buscalan sa Tinglayan, Kalinga.
Sa ulat, may lawak na 195,100 square meters ang naturang marijuana plantation na mayroong aabot sa 3,349,500 piraso na ng mga fully grown marijuana plants at 1,575kg ng mga tuyong dahon ng marijuana ang nasamsam .
Ayon kay Buca, sa pagsisikap na masawata ang illegal drug activities sa buong Pilipinas kaya inilunsad nila ang COPLAN “HIGHLANDER” sa Mt. Chumanchil, Tinglayan gamit ang air asset ng Philippine Air Force at mga tauhan ng PAF TOG 2 nilipad ng choppers at palihim na ipinuslit sa kabundukan para gapangin ang plantasyon.
Ayon kay Buca ang pagsira sa mga halamang ito ay hindi lamang nakagambala sa supply chain ngunit nagsilbi rin na hadlang sa mga potensyal na magsasaka ang mga panganib na substance .
“The challenging terrain and remote location of Mt. Chumanchil demanded air insertion for effective logistical support, making the role of PAF TOG 2 instrumentals in the success of the mission,” ani PAF Spokesperson Col Ma Consuello B Castillo. VERLIN RUIZ