MAKAKATANGGAP ang Filipinas ng halagang $18.2 million o P 875 milyon mula sa United States Agency for International Development (USAID) bilang suporta sa HIV/AIDS Prevention and Treatment campaign ng gobyerno.
Kaugnay sa paggunita ng World AIDS Day, inihayag ng U.S. Embassy in the Philippines ang paglulunsad ng bagong President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR)-funded program, na magsisimula ngayon buwan.
Sa pamamagitan ng PEPFAR, naglaan ang US government ng mahigit P875 milyon ($18.2 million) sa loob ng dalawang taon para sa US-Philippines bilateral efforts na ipatutupad ng United States Agency for International Development (USAID), US Centers for Disease Control, US Health Resources and Services Administration, at US Department of Defense.
Target ng PEPFAR program na matugunan ang lumolobong bilang ng mga taong naninirahan kasama ng mga HIV positive sa Filipinas na itinuturing ngayong fastest growing HIV epidemic sa Asia-Pacific region.
Sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau of the Philippines, tinatayang mahigit sa 110,000 Filipinos ang namumuhay nang may HIV sa taon 2020; 37,000 ang hindi pa nasusuri /diagnosed, habang sa hanay ng mga nauna ng na- diagnosed, may 18,500 ang kinakailangan na maisama sa life-saving antiretroviral (ART) therapy.
Ayon sa US Embassy , ang bagong PEPFAR program, susuportahan ang Philippine government para makamit nito ang UNAIDS 95-95-95 targets para sa HIV epidemic control, ibig sabihin nito kailangang batid ng 95 percent ng mga infected ng HIV ang kanilang status, at 95 percent ng mga nakakaalam ng kanilang estado ay nakakatangap ng panlunas at 95 percent ng mga sumasailalim sa gamutan ay makakamit ang inaasam na viral suppression.
Sa ilalim ng bagong ayuda, ang USAID ay makikipagtulungan sa Department of Health at local community organizations upang ma-implementa ang mga aktibidad Metro Manila (National Capital Region), Central Luzon (Region 3), at Calabarzon (Region 4A), na siyang tinuturing malaki ang problema sa HIV kung saan naninirahan ang 63 percent ng PLHIV nationwide.
Nabatid na target ng USAID na palawakin prevention strategy ng bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng access sa HIV pre-exposure prophylaxis, palakasin ang HIV testing at case-finding sa mga post-COVID era at ituro sa mga HIV-diagnosed clients ang mas mainam na HIV treatment regimens at retention programs.
“As a friend, partner, and ally of the Filipino people, we remain committed to assisting the Philippine government in addressing this disease so that the country can meet its development objectives in health and progress along its journey to self-reliance,” ani USAID Acting Mission Director Patrick Wesner.
Lubha umanong napapanahon ang nasabing suporta dahil sa COVID-19 pandemic dahilan para maantala ang HIV testing at treatment coverage. VERLIN RUIZ
BANTA NG AIDS, WAG ISNABIN – CBCP
NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang opisyal at health ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBPC) dahil sa banta ng umanoy tumataas na bilang ng mga kaso HIV/ AIDS sa gitna na rin ng pandemya sa COVID 19 kaya hinihikayat ang pamahalaan na huwag itong ipagwalang bahala.
Sinabi ni Camilla Priest Fr. Dan Cancico, Executive Secretary ng CBCP- Episcopal Commission na bukod sa Covid ay m,ayroon pang ibang karamdaman na dapat pagtuonan ng pansin tulad ng cancer, tuberculosis at HIV.
Ang pahayag ng pari ay kasabay ng panggunita ng World AIDS day tuwing unang araw ng Disyembre.
Ibinahagi pa ng pari na bagamat bahagyang bumaba ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa ngayong taon ngunit hindi pa rin aniya matiyak kung ang pagbaba ng kaso ay bunsod ng pag-iingat ng tao o dahil sa kawalan ng sapat na access ng mga Filipino sa HIV testing dahil sa epekto ng Covid-19.
Tiniyak naman nito ang patuloy na paglingap sa mga persons living with HIV ng simbahan sa pamamagitan ng Philippine catholic HIV/AIDS Network. PAUL ROLDAN
Comments are closed.