UMABOT na sa P884.20 milyon ang pinsala sa pampublikong impraestruktura ayon sa Department of Public Works and Highways – Bureau of Maintenance (DPWH-BOM).
Kabilang dito ang P369.10 milyon na pinsala sa mga kalsada, P14.66 milyon sa mga tulay, at P500.42 milyon sa flood control infrastructure.
Samantala, nasa walong bahagi ng mga national roads sa Luzon ang nananatiling hindi madaanan dahil sa pagbaha, landslide at nasirang tulay,
Narito ang mga apektadong kalsada:
- Apayao (Calanasan)-Ilocos Norte Road sa Tanglagan, Calanasan, Apayao – Hindi madaanan dahil sa pagbaha.
- Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road sa Tukucan at Wangwang, Tinoc, Ifugao – Hindi madaanan dahil sa landslide at road slip.
- Kiangan-Tinoc-Buguias Road sa ilang bahagi ng Nagacadan, Kiangan, Ifugao – Hindi madaanan dahil sa gumuhong lupa.
- Cagayan-Apayao Road, Itawes Overflow Bridge 1 at 2 sa Sta. Barbara, Piat, Cagayan – Nasira ang approach ng tulay.
- Jct Abbag-Nagtipunan Nueva Vizcaya Road via Dupax sa La Conwap, Nagtipunan, Quirino – Hindi madaanan dahil sa gumuhong lupa at natumbang mga puno.
- Jct Victoria-Maddela Alicia-Kasibu Boundary Road sa San Benigno, Alipay, Quirino – Apektado ng gumuhong lupa at natumbang mga puno.
- Jct Abbag-Nagtipunan Nueva Vizcaya Road via Dupax sa Old Gumiad, Nagtipunan, Quirino – Binaha ang lugar.
- Maddela-Dinadiawan Road sa Barangay Calaocan hanggang Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora – Hindi madaanan dahil sa landslide, mudflow, at natumbang poste ng kuryente at telekomunikasyon.
May ilang kalsada rin na limitado ang access at tanging mga magagaan na sasakyan lamang ang makakadaan, kabilang ang:
- Apayao-Ilocos Norte Road, Carmela Section, Calanasan, Apayao – Nasira ang lupa sa lugar.
- Kennon Road, Sitio Camp 2, Barangay Twin Peaks, Tuba, Benguet – Apektado ng gumuhong lupa.
- Benguet-Nueva Vizcaya Road, Japas, Bobok-Bisal, Bokod, Benguet – May mga natumbang puno sa kalsada.
- Cong. Andres Acop Cosalan Road, Benguet – May gumuhong lupa at debris flow.
- Pangasinan-Nueva Vizcaya Road, Barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan – Apektado ng gumuhong lupa, road slip, at erosion.
Samantala, naiulat ng DPWH Disaster and Incident Management Teams (DIMT) na muling nabuksan ang 59 kalsada na isinara dahil sa epekto ng mga bagyong Nika, Ofel at Pepito.
RUBEN FUENTES