P89.76-M UNCERTIFIED GOODS, VAPE UNITS NAKUMPISKA

NASAMSAM ng Task Force Kalasag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang may P89.76 million na halaga ng uncertified at non-compliant products at  vape units hanggang noong July 15.

Ayon kay Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) Director Fhilip Sawali, ang P61.87 million na halaga ng mga nakumpiskang produkto ay essential consumer goods at P27.88 million ang vape units.

Sinabi ni Sawali na kabilang sa mga  kamakailan lamang na raid operations ng task force ay noong June 26 sa Valenzuela, na may kabuuang nakumpiskang produkto na nagkakahalaga ng P7.75 million; noong July 3 sa Plaridel, Bulacan, na nagkakahalaga ng P9.35 million; at noong July 15 sa Tanza, Cavite na nagkakahalaga ng P8.28 million.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DTI na may P9.7 million na halaga ng uncertified goods ang nakumpiska rin mula sa 62 establisimiyento sa Camarines Norte at Camarines Sur mula June 24 hanggang 28.

Sinabi ng FTEB official na inirekomenda ng DTI ang pagpapasara sa mga sinalakay na bodega. Ipinadlak na ng local government units ng Tanza at Valenzuela ang mga pasilidad habang hinihintay pa ng FTEB ang pagpapasara sa Plaridel warehouse.

Kabilang sa mga kinumpiskang produkto sa ilalim ng technical regulations ay  ceramic tiles/sanitary wares, plywood, lead-acid batteries, appliances, television sets, mga gulong para sa automotive vehicles, electrical lighting at wiring devices, dry chemical portable fire extinguisher, pipe para sa portable water supplies, lighter, monobloc chairs, helmet at visors, motor vehicle brake fluid, inner tubes para sa mga gulong, steel wires at angle bars, deformed steel bars, medical grade oxygen, safety belts, at unplasticized polyvinyl chloride o UPVC rigid electrical conduit.

“Our Task Force Kalasag has observed a recent proliferation of uncertified and definitely, unsafe home appliances,” ani Sawali.

Idinagdag niya na ang uncertified products na ito ay ibinebenta sa electronic commerce o e-commerce platforms.

“We send show-cause order to the platform and then attaching the URL of the post that offered the uncertified product. Within two days, they are able to take down the products from their platform. Luckily, for the big platforms, they are able to take down 100 percent of those uncertified and violative produces,” dagdag pa niya sa hiwalay na panayam.

ULAT MULA SA PNA