P890-M IRRIGATION PROJECT NG NIA PADADALUYIN NA

ORIENTAL MINDORO-PINAGHAHANDAAN na ngayon ng National Irrigation Administration ang pagpapadaloy ng P890 milyong Bongabong River Irrigation Project, isa sa mga big-ticket irrigation projects sa Oriental Mindoro kasunod ng gagawing inauguration .

Ang Bongabong River Irrigation Project ay dinisenyo para maserbisyuhan ang may 6,000 hectares na taniman ng 5,500 cubic meters na patubig para mapakinabangan ng may 3,000 farmer beneficiaries at stakeholders sa mga bayan ng Bongabong, Roxas at Mansalay sa lalawigan.

Nakapaloob sa construction ng nasabing proyekto ang paggawa ng intake structure na aabot sa 41 kilometers ng Main Canal at 45 kilometers ng Lateral Canals na may complete irrigation structures and facilities na sinimulan noong 2012 at nakalikha ng napakaraming trabaho para sa mga residente ng lalawigan.

Sa kasalukuyan ang Bongabong River Irrigation Project ay nagsisilbing supplemental source ng patubig para sa 2,095 hectares ng palayan mula sa iba’t-ibang communal irrigation systems sa lugar.

“ This irrigation system has also generated 4,152 hectares of potential irrigable area” ayon pa sa NIA .

Ayon kay Regional Manager William P. Ragodon sa kanyang report kay NIA Administrator Ricardo

Visaya, bukod sa Bongabong RIP, 19 iba pang irrigation projects ang nakatakdang pasinayaan ngayong buwan.

Target nitong matiyak na magkakaroon ng episyenteng irrigation service batay sa plano ng NIA upang makatulong sa pamahalaan na maisulong ang kaunlaran sa bansa at mai-angat ang kabuhayan ng mga magsasaka. VERLIN RUIZ