CEBU- AABOT sa P8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa lungsod ng Mandaue, sa.magkakasunid na sunod na anti- illegal drugs operation.
Unang nahuli sa buy-bust operation ng City Intelliegence Unit ng Mandaue City Police Office si alyas Mitch, isang high value individual na nasa illegal drugs watchlist ng mga otoridad.
Nakuha mula sa suspek ang nasa 100 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680, 000.
Sunod namang nahuli ng mga pulis ng MCPO ang isang 56 na taong gulang na jeepney driver na si alyas Roger sa isa ring buy-bust operation sa Brgy. Maguikay.
Hindi inakala ng subject na ang mga ka transakyon nitong nakadamit babae ay mga lalaking pulis pala.
Nakuha kay alyas Roger ang mahigit isang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,970,000.00.
Samantala, halos kalahating milyong piso na halaga rin ng shabu ang nakuha ng mga awtoridad mula kay alyas Chris na siyang subject ng buy-bust operation sa Brgy. Tabok Mandaue City.
Ayon sa tagapagsalita ng MCPO, Police Lt. Col. Mercy Villaro ang sunod-sunod na anti-illegal drugs operation ng kanilang unit ay dahil na rin sa mga ibinunyag na mga pangalan at impormasyon ng mga nauna na nilang nahuli.