SULU – MAY isang ektaryang taniman ng marijuana ang sinunog ng pinagsanib na puwersa ng pulis, militar at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at inaresto ang may-ari nito sa Sitio Tangan-Tangan, Brgy. Lingah, Luuk.
Sa report ni Joint Task Force – Sulu Commander MGen William N Gonzales, bandang alas-10:30 ng umaga, tatlong cannabis sativa plantations na may tinatayang 11,000 fully grown marijuana plants ang agad na sinunog sa lugar at dalawang kahon ng dried marijuana leaves ang nakumpiska.
Ginalugad ng awtoridad ang lugar upang matunton at mahuli ang may
ari ng taniman na kinilalang si alyas Bakil at nadiskubre ang
ilang high-powered firearms.
Ayon naman kay MBLT-8 Battalion Commander Ltc Abdulmoel Alamia patuloy
nilang susuportahan ang local police at PDEA sa mga operasyon nito. VERLIN RUIZ
908334 472300Shame on the search Google for not positioning this publish higher! Come on over and talk over with my web site. 303738