P9.5 M PARTY DRUGS NASAMSAM NG PDEA

DALAWANG babae ang dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang anti narcotic interdiction operation matapos na tangkain na i-claim package mula Germany na naglalaman pala ng party drugs.

Higit 5,000 tableta ng party drugs na ecstasy ang nakumpiska kasunod ng isinagawang controlled delivery sa Quezon City Central Post Office na sinubukang kunin ng dalawang babae na residente ng Quezon City at Bacoor City, Cavite.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director Ge­neral Wilkins Villanueva, inilatag ang patibong ng mga Anti-narcotic Operatives ng PDEA
Regional Office-NCR NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) matapos na makumpirmang naglalamang ng libu-libong tableta ng ecstacy o party drugs ang dumating na parcel kasama ang isang foot massager kamakalawa sa Quezon City Central Post Office, Brgy. Pinyahan.

Kinilala ni Dir. III Christian Frivaldo, PDEA NCR, Regional Director at Task Group Commander ng NAIA-IADITG ang naarestong suspek na sina Ma. Isabella Albano, 27-anyos at Jessica Munoz.

Nakumpiska ng PDEA sa naturang operasyon ang nasa 5,637 piraso ng colored Ecstasy (MDMA) tablets na may standard drug price na higit P9,582,900.00.

Sa imbestigasyon, galing Germany ang natu­rang package at idineklara bilang laruang pambata.

Ayon kay Frivaldo ang nasabing parcel ay idineklarang “children’s toys and apparel” mula Neuss, Germany na dumating sa bansa noong Ene­ro 28, 2021.

Ang dalawang drug suspects ay naharap sa kasong paglabag sa RA 9165 or “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Iniimbestigahan na ngayon ng PDEA ang source ng droga sa Germany. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “P9.5 M PARTY DRUGS NASAMSAM NG PDEA”

  1. 709720 750115This internet page is known as a stroll-by for all the data you wished about this and didnt know who to ask. Glimpse appropriate here, and youll positively discover it. 817300

Comments are closed.