P9.647-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT

ZAMBOANGA CITY- TINATAYANG aabot sa P9,647,400.00 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga operatiba ng 2nd ZCMFC, Bureau of Customs, CISS at ESS sa naglalayag na motorized boat sa karagatang sakop ng Manilapa Island sa lalawigang ito nitong Martes.

Sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng seaborne patrol operation ang mga awtoridad nang namataan ang kahina-hinalang asul na motorized wooden boat (Jungkong).

Gayunpaman, pinahinto ng mga awtoridad ang nasabing motorized boat kung saan nadiskubreng kargado ng 275 master cases at 32 reams ng Fort smuggled cigarettes kaya kaagad na inaresto ang sakay nitong 10 pahinante.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga sakay ng motorized boat na sina Edzar Aharaji, Jacob Alvarez, Aldimar Daniel, Rasdi Altalad, Juning Ibrahim, Samoudi Jamlul,
Hussam Najir, Akoumar Asari, Almakrin Ayub, at si Alnisar Jul.

Kasalukuyang nasa custody ng Bureau of Customs ang 10 pahinante at ang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P9, 647, 400.00. MHAR BASCO