(P9.795-T noong 2020) UTANG NG PINAS LUMIIT

BTR

TINAPOS ng Filipinas ang 2020 na may utang na P9.795 trillion hanggang end-December 2020, mas mababa sa naunang buwan, makaraang mabayaran ang ilang domestic loans.

Sa datos na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr), ang outstanding debt ng national government noong katapusan ng Disyembre 2020 ay mas mababa ng 3.3% o P339.05 billion sa end-November 2020 level na P10.134 trillion.

Ayon sa BTt, ang mas mababang debt level ay dahil sa net redemptions ng domestic loans.

Ang domestic debt ng national government ay nasa P6.69 trillion, bumaba ng  6.9% dahil sa repayment ng P540 billion provisional advances mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Magugunitang inaprubahan ng Monetary Board ng BSP noong Disyembre ang kahilingan ng gobyerno para sa panibagong P540 billion bilang  budgetary support sa pagtugon sa COVID-19.

“Domestic debt accounted for the lion’s share or 68.35% of the government’s total outstanding debt balance in 2020 as the government continued its reliance on domestic borrowing to meet its financing needs,” ayon sa ahensiya.

Samantala, ang foreign debt ay nagkakahalaga ng P3.10 trillion, mas mataas ng 5.4% kumpara sa end-November level.

“For December, net foreign loan availment amounted to P151.43 billion including the newly issued ROP Bonds amounting to P132.06 billion ($2.75 billion) as part of continued government measures to raise funds for budgetary support while the appreciation in third-currency denominated debt added P10.67 billion to the peso value of external obligations,” sabi pa ng  BTr.

“On the other hand, peso appreciation trimmed P3.91 billion.”

Sinabi ng ahensiya na lumakas ang piso kontra US dollar sa P48.021:$1 hanggang end-December 2020 mula sa  48.085 hanggang end-November 2020.

Kaugnay sa sukat ng ekonomiya, ang national government debt-to-gross domestic product ratio ratio ay tumaas sa 54.5% noong nakaraang taon mula sa 39.6% noong 2019.

Comments are closed.