P9-B PAMBILI NG PALAY ILALABAS NA

MAIBIBIGAY na sa National Food Authority (NFA) ang budget na pambili ng palay para sa mga nalalabing buwan ng taon bilang bahagi ng buffer-stocking mandate nito.

Ayon kay Agriculture Secretary at NFA Council chairman Francisco Tiu Laurel Jr., ang P9-billion na pondo para sa pagbili ng palay ay ilalabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa equal installments para sa huling tatlong buwan ng taon.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang naturang halaga ay makatutulong upang suportahan ang mga pangangailangan ng mga rice farmer ngayong wet season, ang panahong ang presyo ng palay ay inaasahang bababa dahil sa pagdagsa ng suplay nito sa limitadong drying facilities ngayong panahon ng anihan.

“The NFA will have enough funds to support rice farmers through the wet season, which is critical for their livelihoods during this challenging period,” ani Tiu Laurel.

Sinabi naman ni NFA Administrator Larry Lacson na nasa tamang oras o timing ang nakatakdang pag-release ng naturang halaga na kinakailangan nila upang mabili mula sa mga magsasaka ngayong anihan ang tinatayang 7.2 million o 50-kilo bags ng palay sa halagang P25 per kilo.

“This volume aligns well with the NFA’s wet season palay procurement target of 6.4 million to 8.7 million bags,” sabi ni Lacson. Ito, aniya, ay sang-ayon sa mandato ng NFA na maisakatuparan ang procurement goals nito.

Kamakailan lamang ay in-adjust ng NFA ang buying price nito ng palay sa P23 hanggang P25 per kilo.

“This change reflects the declining global prices of rice and aims to reduce cost of the food staple for Filipino consumers,”sabi ni Lacson.

“We recognize the need to balance farmer support with consumer needs, and this adjustment is a step toward achieving that goal,” ang paliwanag naman ni Tiu-Laurel.

Sa gitna ng bahagyang pagbaba ng buying price nito ng palay, tiniyak ni Tiu Laurel na hindi pa rin malulugi ang mga magsasaka sa kanilang pagod at gastos sa pagtatanim at pag-ani ng palay.

“Farmers would still see a favorable return on their efforts. Even at this adjusted price, farmers will continue to benefit from their hard work, especially given the improved price range we implemented earlier this year,” sabi ni Tiu Laurel.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA