KALINGA – TINATAYANG 38,000 fully grown marijuana ang sinira at sinunog na umaabot sa P9-M halaga sa marijuana eradiction ng pinagsanib na puwersa ng 5th Infantry (Star) Division Phil. Army, Composite Teams ng PDEA Region1-2 at Cordillera Adminstrative Region, katuwang pa rin ang mga kasapi ng Kalinga Provincial Office at Tinglayan Police Station.
Umaabot sa 7,300 square meter ang nadiskubre ng awtoridad na taniman ng marijuana sa Brgy. Luccong at Buscalan sa bayan ng Tinglayan.
Ayon kay Army Captain Jefferson Somera, head ng Division Public Affairs ng 5th Infantry (Star) Division Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela na umabot sa 20 lugar sa dalawang barangay ng Tinglayan ang pinagsagawaan nila ng marijuana eradication noong Hunyo 30, na sinusuportahan naman ng 5th ID at anti-drug operation ng PDEA.
Inihayag pa ng pamunuan ng 5th ID na patuloy ang kanilang pagtulong sa anti-drug operation dahil maraming buhay ang naisalba dahil sa nasirang mga pananim ng marijuana.
Inihayag pa ni Somera na ang lugar kung saan nila sinira ang mga pananim na marijuana ay malapit sa tatlong taniman ng mga marijuana na sinira noong Pebrero 2018 na nagkakahalaga ng P6 milyon. IRENE V. GONZALES
Comments are closed.