(P9-M na napulot, ibinalik sa may-ari) PARANGAL SA HONEST PINAY

dubai dirham

HINATAK ng isang Fi­lipina ang buong Filipino community sa Dubai, United Arab Emirates para hangaan at pagkatiwalaan.

Ito ay nang para­ngalan ng Bur Dubai Police Station ang pagiging matapat ng isang Pinay barista na nagbalik ng bag na may lamang pera at gamit na nagkakahalaga ng mahigit P9 milyon.

Sa video footage at Instagram post ng naturang police station, pumunta si Acting Director Colonel Rashid Mohammed Saleh Al Shehhi sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Mae Ann Olmidillo para bigyan ito ng certificate of recognition at gantimpala.

Ayon sa OFW, hindi siya nagdalawang isip na ibalik ang pera sa may-ari.

Paliwanag, ni Olmidillo, hindi sa kanya ang perang iyon kaya dapat ibalik sa may-ari.

“Hindi po akin ‘yun at alam kong may return si God para sa akin. Mara­ming salamat po,” paha­yag ng Pinay barista. EUNICE C.

Comments are closed.