GAWING epektibo hanggang sa katapusan lamang ng 2018 ang pisong dagdag sa pamasahe sa jeep.
Ito ang iginiit ni Senador Win Gatchalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa senador, puwede naman itong palawigin ng tatlo hanggang anim na buwan kung mananatiling mataas ang presyo ng langis sa pagpasok ng bagong taon.
Sinabi ni Gatchalian, na layuning mabalanse ang interes ng mga pasahero at mga drayber ng public utility vehicles (PUVs).
Mas madali umanong magtaas ng singil sa pasahe kaysa magbaba nito kaya dapat ay mayroong safeguards ang implementasyon nito.
Nanawagan si Gatchalian sa Department of Finance (DOF) at sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang binuhay na Pantawid Pasada Program upang madetermina kung sapat pa ang P5,000 fuel subsidy na ipinagkakaloob sa mga jeepney driver para maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Comments are closed.