HINDI na muna ibibigay ng Commission on Elections (Comelec) sa Smartmatic Philippines ang P90 milyong kabayaran sa kontrata para sa Eleksiyon 2022.
Ito ay matapos mapaulat ang umano’y data breach na konektado sa isa sa mga kontraktuwal na empleyado ng Smartmatic.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, hindi pa niya nilalagdaan ang pagpapalabas ng bayad sa Smartmatic dahil kailangang malinaw muna ang isyu.
Gayunman, tiniyak ni Pangarungan na agad ilalabas ang bayad oras na mapatunayang inosente ang empleyado.
Noong May 2022, unang ini-award ng Comelec sa Smartmatic USA corporation at local na Smartmatic Philippines ang pag-provide ng elections software na magagamit sa Eleksiyon 2022. DWIZ882