P90-M SHABU NASABAT SA MATNOG PORT

NALAMBAT ng joint operatives ng PDEA Sorsogon PO, PDEA SIU- Matnog, PDEA RO V RSET and IIS, Matnog MPS, RO-NCR/Manila Northern District at Philippine Ports Authority ang dalawang drug courier sa isinagawang interdiction operation mula alas-dyes ng gabi kahapon hanggang alas-sais ng umaga nitong Setyembre 29 sa Matnog Port Compound, Brgy. Caloocan sa Matnog, lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito, nadakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Kabilan Arsad, 30 at Tato Jehamin, 21, pawang mga residente ng Poblacion Shariff Aguak at Talitay sa Maguindanao.

Ayon sa ulat ng PDEA, dakong alas-10 ng gabi nitong Sabado nang magsagawa ng interdiction operation sa pantalan ang mga operatiba kung saan nasabat ang 18.550 kilos ng shabu na nakalagay sa dalawang daan at labing isang (211) piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet na may timbang na humigit-kumulang sa 50 gramo kada sachet at walong (8) vacuum-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance at may timbang na 1000 grams.

Nagkakahalaga ang ilegal na droga ng P90,000,000.

Bukod dito, nakumpiska rin ang tatlong (3) Units ng Cellular phone isang sasakyan at Identification Cards ng dalawang suspek.

Samantala, nahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA ROV ang mga ebidensyang nakumpiska habang ang mga suspek ay nakadeteni sa Matnog MPS para sa tamang disposisyon.

RUBEN FUENTES