MAHIGIT P900 million halaga ng relief goods ang inihanda laban sa posibilidad na pagtama sa bansa ng bagyong may International name na Tropical Storm Rai, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, nagpulong na ang local disaster councils at local government units (LGUs) sa mga lugar na pinangangambahang apektado ng tropical cyclone.
“On the part of the National Disaster Council, ang ating relief items and stockpiles ay more than P900 million worth pa at ito ay more than enough para ma-sustain ang ating operations para tulungan ang mga kababayan natin diyan sa mga maapektuhang communities,” ayon kay Timbal.
Sinabi pa ng NDRRMC official na naipadala na nila ang family food packs sa iba’t ibang bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga tukoy na lugar na itinakda ng LGUs.