ITINUTULAK ng isang partylist group ang P900 per day minimum wage para sa mga construction worker upang maiwasan ang napipintong labor shortage dahil sa migration.
Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III, tumutungo ang mahuhusay na construction laborers ng Filipinas sa ibang bansa na nagbabayad ng hanggang 10 beses ng P537 daily minimum wage sa Metro Manila.
Aniya, ang mga Filipino construction worker sa New Zealand ay tumatangap ng average na P5,300 daily wage, hindi pa kasama rito ang mga benepisyo.
“This is why the government has to raise substantially the floor wage for construction workers. Our sense is, many of them would prefer to stay here at home with their families, as long as they get higher pay,” ani Bertiz.
“Under the law, regional tripartite wages and productivity boards may fix minimum wages per industry or economic sector, and not just along territorial lines,” dagdag pa niya.
Hindi ang ACTS-OFW ang unang nanawagan para sa mas mataas na sahod para sa mga construction worker.
Naunang nang sinabi ni CEO Isidro Consunji ng DMCI Holdings Inc., isa sa pinakamalaking builders sa bansa, na pabor siyang itaas sa P737 hanggang P837 ang minimum wage para sa construction workers.
“They (construction workers) are exposed to the elements (heat and rain). It’s a lot heavier work and a lot riskier (compared to those in other industries such as manufacturing or services),” ani Consunji.
Inamin niya na nahihirapan ang kanyang kompanya na maghanap ng mga construction worker sa mga panahong ito.
Ang economic growth strategy ng administrasyong Duterte ay bahagyang nakaangkla sa P9-trillion public infrastructure development program na kinabibilangan ng 75 big-ticket projects kung kaya malaki ang pangangailangan nito para sa mga construction worker.
Nito lamang Miyerkoles ay isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang groundbreaking para sa konstruksiyon ng unang underground rapid passenger transit system ng bansa, ang 36-kilometer Mega Manila Subway, o Metro Manila Subway Line 9.
Comments are closed.