NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang 30 karton ng smuggled na sigarilyo sa isang palengke sa Zamboanga City.
Katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG), nasabat ng BOC ang mga puslit na sigarilyo sa Magay public market matapos makatanggap ng ulat na sangkot ang ilang indibidwal sa smuggling sa pamilihan.
Ang mga kontrabando ay nakalagay sa dalawang sasakyan sa loob ng Pier area sa pamilihan.
Dalawang driver ng mga sasakyan ang dinakip matapos mabigong makapagprisinta ng dokumento sa kontrabando na nagkakahalaga ng P900,000.
Masusing iniimbestigahan ang mga nadakip upang masampahan ng kaukulang kaso.
Comments are closed.