P910M PARA SA MGA GURO INAPRUBAHAN

bong go

PINURI ni Senador Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-apruba nito sa pagpapalabas ng P910 million para sa Department of Education upang makaabot sa budget criteria ng World Teacher’s Day Incentive benefit.

Sinabi ni Go na ang pag-grant sa incentive sa public school teachers ay bilang pagkilala sa critical role ng mga guro sa nation-building at pagkilala sa sakri­pisyo ng mga ito lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Go, mas naging challenging ang ginagampanan ng mga guro sa pagtiyak na makakapagpatuloy sa pag-aaral ng mga kabataan na naging mas mahirap dahil sa pandemya.

Sa ilalim ng Republic Act no. 10743 o mas kilala sa tawag na “An Act Declaring the Fifth Day of October Every Year bilang National Teacher’s Day” at ng UN Educational, Scientific and Cultural Organization international observance sa World Teacher’s day ay kinikilala ang teaching profession at bilang pagpupugay rin sa hindi matatawarang serbisyo at mahalagang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa isipan, values at karakter ng mga kabataang Pilipino.

Ang DepEd ay mayroong 910,000 eligible personnel na siyang naging basehan para sa P910 million approriations.

Una nang umapela si Go sa national govern­ment na dagdagan ang suporta sa  public school teachers dahil sa hinaharap na sakripisyo ng mga ito dahil sa pan­demya.

Giit ni Go, hindi madali ang panahon ngayon kaya mas naging mahirap ang pagtuturo sa blended learning para sa mga guro dahilan kaya suportado niya ang mga panukalang polisiya na magpapalakas sa education sector habang tinitiyak din ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.

Ito ang dahilan kaya isinulong niya ang Senate Bill no. 396 noong 2019 para mapalawig ang purposes at application ng Special Education Fund na sinasabing magagamit sa operation at maintenance ng public schools, pasuweldo, allowances at iba pang benepisyo ng mga teacher at non-teaching personnel, ang pagpapatuloy ng operasyon ng Alternative Learning System at iba pa. VICKY CERVALES

10 thoughts on “P910M PARA SA MGA GURO INAPRUBAHAN”

Comments are closed.