(P93.3-B noong Nobyembre) BUDGET DEFICIT NG PH BUMABA

BUMABA ang budget deficit  ng national government ng 24.75 percent noong Nobyembre sa likod ng paglago sa revenue collection at pagbaba sa public spending.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), ang  budget deficit noong nakaraang buwan ay nasa P93.3 billion, mas mababa kumpara sa  P123.9 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang pamahalaan ay nagkakaroon ng budget deficit kapag mas malaki ang spending kaysa revenues.

Ang revenues noong Nobyembre ay tumaas ng  2.82 percent sa P340.4 billion mula P331.1 billion, sa likod ng 218-percent increase sa non-tax collection.

Ang koleksiyon mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon ay umabot sa P3.56 trillion, mas mataas ng 8.75 percent kumpara sa P3.2 trillion revenues sa kaparehong panahon noong 2022.

Ayon sa BTr, ang halaga ay kumakatawan sa 95.58 percent ng  P3.729 trillion revenue target para sa 2023.

“Of the YTD (year-to-date) collection, 89.28% (PHP3.182 trillion) was generated through taxes with the remaining 10.72% coming from non-tax sources,” anang BTr.

Samantala, ang expenditure ng national government ay bumaba ng 4.69 percent sa P433.6 billion mula P455 billion noong November 2022. “Ang expenditures for November slowed by 4.69% or P21.3 billion on a YoY basis partly due to the lower National Tax Allotment shares of LGUs (local government units), lower direct payments made by development partners for the foreign-assisted rail transport projects of the DOTr (Department of Transportation), as well as the different timing or schedule of big-ticket disbursements in the DPWH (Department of Public Works and Highways) and the DSWD (Department of Social Welfare and Development),” sabi pa ng ahensiya.

Year-to-date, ang spending ay nasa P4.67 trillion, tumaas ng 3.59 percent mula P4.5 trillion noong nakaraang taon.

Ayon sa BTr, ang halaga ay katumbas ng 89.42 percent ng expenditure program para ngayong taon.

(PNA)