P935-M NA SA ULTRA LOTTO

ULTRA LOTTO

TINATAYANG aakyat ang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 sa P935 milyon sa bola ngayong araw matapos na wala pa ring mapalad na nanalo rito.

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa kanilang Facebook page  kahapon na  tumaas  sa P935 milyon  ang  pot money sa bola ngayong Linggo  ng gabi.

Sa huling draw nitong Biyernes ay wala pa ring nagwagi  sa ­Ultra Lotto  sa kombinasyon na  01-30-27-36-49-12 na may ­premyong  P903,290,152.

Matatandaang hindi rin nagpahuli sina  Pangulong ­Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go na nakiisa sa milyon-milyong Filipino na nakikipagsapalarang manalo sa jackpot price ng Ultra Lotto 6/58 na  noon ay nasa mahigit 850-mil­yong piso pa lamang.

Nagpataya ang ­Pangulo sa isang lotto outlet sa Maynila ng kanyang 18 combinations na may kahalong lucky pick.

Maging si Davao City Mayor Sara Duterte ay tumaya rin sa 6/58 lotto sa local lotto outlet sa Mabini Street  sa Davao City.

Comments are closed.