INILUNSAD ng Bureau of Customs (BOC) ang series of crackdown operations laban sa smuggling nitong Martes, Agosto 27 kung saan nadiskubre ang mga hinihinalang smuggled na disposable vape products, motor parts and accessories sa mga pasilidad na matatagpuan sa Maynila at Laguna.
Tinatayang umabot sa P94.075 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto.
Ang operasyon ay isinagawa ng composite team na binubuo ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service-MICP, representatives mula sa Bureau’s Action Team Against Smugglers at ang Philippine Coast Guard–Task Force Aduana kasama ang mga barangay officials at Philippine National Police sa pagpapatupad ng Letters of Authority (LOAs).
Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga disposable vape na nagkakahalaga ng P12.6 milyon sa isang vape shop sa San Pedro, Laguna.
Sa isang hiwalay na operasyon sa Quiapo sa Maynila, nakumpiska ang iba’t-ibang imported na vape devices, vape pods at disposable vapes na nagkakahalaga ng P6.475 milyon kasama ang motorcycle parts and accessories na nagkakahalaga ng P75 milyon.
Kaugnay nito, pansamantalang isinara at sinelyuhan ng mga awtoridad ang mga pasukan at labasan ng mga establisyemento.
Nakatakdang magsagawa ng inventory sa mga imported items ang nakatalagang Customs Examiners, agents mula sa CIIS at ESS sa harap ng mga representative ng naturang shop o warehouse.
Gayunpaman, sa ilalim ng Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), binibigyan ang mga may-ari o operator ng warehouse ng labinlimang (15) araw mula sa pagkatanggap ng Letters of Authority upang tutulan ang mga natuklasan at magsumite ng mga dokumento upang patunayan na ang mga nasabing vape products at motor parts and accessories ay lehitimong inangkat at nabayaran ang tamang buwis at taripa para dito.
“These crackdowns were conducted in response to President Ferdinand Marcos Jr.’s directive to intensify our anti-smuggling efforts against the illicit trade of tobacco and vape products” ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
“Our goal is to protect consumers and the public from the dangers of these illegal substances, which can pose significant health risks and undermine public safety.”
“The confiscation of P75 million worth of motorcycle parts and accessories is also noteworthy, as it demonstrates our ongoing commitment in protecting legitimate businesses in the country” the
dagdag ni Rubio.
RUBEN FUENTES