INIHAYAG ng provincial government ng Agusan del Sur na umabot na sa P3.2 million ang danyos sa imprastraktura habang P91 million naman sa livestock at agriculture dahil sa pagbaha sa nasabing lalawigan sanhi ng walang humpay na pag-ulan dala ng shearline.
Ayon kay Alexis Cabardo, tagapagsalita ng provincial government ng lalawigan, umaabot sa 38 barangay ang apektado sa pagbaha kung saan 6,560 pamilya rin o 26,687 indibidwal ang naapektuhan.
Sa nasabing bilang, 7,700 na indibidwal ang nagsilikas sa evacuation center.
May mga natitira pa rin sa evacuation centers kahit na humupa na sa kasalukuyan ang baha sa ilang parte ng probinsiya dahil sa inaasahang maraming tubig-baha mula sa Davao de Oro at Davao Oriental na babagsak sa Agusan River. EVELYN GARCIA