NAG-GROUND breaking na ang San Miguel Corp. (SMC) para sa proposed 19.37-kilometer Pasig River Expressway (PAREX), ilang araw makaraang aprubahan ng pamahalaan ang proyekto.
Pinangunahan nins SMC president Ramon S. Ang, Executive Secretary Salvador Medialdea, DoTR Sec. Arthur Tugade, at DPWH Undersecretary for Planning and PPP Service Maria Catalina Cabral ang groundbreaking rites kahapon sa kahabaan ng Pasig River sa Pandacan, Manila.
Ang proyekto, isang P95-billion investment ng SMC, ay isang six-lane elevated expressway na tatakbo sa mga banks ng ilog, mula Radial Road 10 sa Manila hanggang C-6 Road o ang South East Metro Manila Expressway (SEMME) sa Taguig.
Ang proyekto ay magkakaroon ng tatlong major segments na kinabibilangan ng Segment 1 mula R-10 hanggang Plaza Azul, Manila; Segment 2 mula Pandacan hanggang C-5, at Segment 3 mula C-5 hanggang C6.
Ang PAREX ay idurugtong at gagamit din ng 2.7-kilometer portion ng bagong Skyway Stage 3 mula Nagtahan hanggang Plaza Azul.
Sa sandaling maging operational, ang PAREX ay magsisilbing east-west connection, na mag-uugnay sa Skyway 3 at SEMME para ang bawat major city sa Metro Manila ay maging accessible via expressway.
Sinabi ng kompanya na sasagutin nito ang lahat ng P95-billion gastos sa pagtatayo ng PAREX, na walang taxpayer o government money na gagamitin.
“I believe this project is bound to be one of the most impactful projects during the time of President Rodrigo Duterte, in terms of integrating the social, economic, and environmental needs of our people. I’m very proud that we have this once-in-a-lifetime opportunity to provide an inclusive, future-ready solution to traffic, and at the same, restore the Pasig River back to its old glory,” sabi ni Ang.
“We thank government and especially the Build Build Build team, for allowing us to deliver another game-changing infrastructure, to help ease traffic, boost our economy, and improve the lives of so many Filipinos in Metro Manila,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Tugade na ang PAREX ay hindi lamang magbibigay benepisyo sa publiko kundi maging sa kapaligiran.
“We are happy because we have a project like this connecting north to south and east to west. Never has this connectivity been thought of, and now it is being implemented. We thank RSA and the whole of San Miguel. Unequivocally I say, the DoTR fully supports this project because I know it is good for the people and the environment,” ani Tugade.
309219 123613Yay google is my world beater assisted me to discover this fantastic site! . 57855
253674 709690I gotta bookmark this website it seems really valuable . 133032
104347 166539Woh I enjoy your articles , saved to favorites ! . 943956
590744 465706Plenty of writers recommend just writing and composing no matter how bad and if the story is going to develop, youll suddenly hit the zone and itll develop. 609722
464861 236941Some truly good stuff on this site, I love it. 31853