NAGBIGAY ng karagdagang donasyong $19 milyon o aabot sa P950 milyon ang Estados Unidos sa Pilipinas bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Inanunsyo ito ni US Embassy Chargé d’ Affaires Heather Variava sa isinagawang joint press conference sa Department of Foreign Affairs kasama si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ayon kay Variava, ito ay upang makatulong sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na sinalanta ng bagyo.
“Given the level of destruction and displacement across a large geographic area and multiple provinces as a result of the typhoon, hundreds of thousands are in need of immediate assistance and therefore today I am honoured to share that the United States has announced an additional P950 million, US $ 19 million in humanitarian assistance to help meet the immediate needs of Filipinos affected by typhoon Odette,” aniya.
Nagpaabot din si Variava ng pakikiramay sa mga namatayan dahil sa pananalasa ng bagyo.
“First and foremost, on behalf of the American people we would like to extend our heartfelt sympathy to the millions of Filipinos affected by typhoon Odette specially to those who lost love ones during this terrible storm,” pahayag nito.
Dahil sa panibagong donasyon, umaabot na sa $20.2 milyon o higit isang bilyong piso ang halaga ng tulong na ibinahagi ng Amerika sa Pilipinas.
Ang Amerika na miyembro rin ng international community na ang may pinakamalaking kontribusyon sa gobyerno. VERLIN RUIZ