MAY kabuuang P97.191 billion na halaga ng buwis mula sa importasyon ng gasolina, diesel at kerosene ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Fuel Marking Program.
“The program’s strong performance affirms the BOC’s continued commitment to protect the borders and collect lawful revenues for the government,” pahayag ng BOC sa isang statement.
Ang Fuel Marking Program ay nagsimula noong September 2019 at nagpatuloy kahit umiiral ang community quarantine.
Hanggang noong August 6, ang revenue collection ng BOC mula sa imported fuel sa ilalim ng programa ay umabot na sa P97,191,009,937.55.
Sa report ng BOC-Enforcement Group, ang total volume ng marked fuel mula September 2019 hanggang August 6, 2020 ay nasa 10,912, 742,121 liters.
May 22 kompanya ang nakiisa sa Fuel Marking Program, kabilang ang Petron, Shell at Unioil.
Ang tatlong kompanya ang may pinakamataas na volume ng marked fuel —2.5 billion, 2.26 billion, at 1.14 billion liters, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa island group, ang Luzon ang may pinakamalaking volume ng marked fuel sa 8 billion liters, sumusunod ang Mindanao sa 2.19 billion liters, at Visayas sa 539 million liters. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.