PAA NG KONDUKTOR PUTOL SA VEHICULAR ACCIDENT

Precious Grace Transport

QUEZON CITY – NAPUTOL ang paa ng isang konduktor habang 20 pasahero ang sugatan nang masangkot sa vehicular accident ang kinalululalan nitong pampasaherong bus sa isang poste sa lungsod na ito.

Sa ulat, biyaheng Grotto-NAIA ang bus na pagmamay-ari ng Precious Grace Transport nang bumangga sa poste sa may east-bound lane ng Commonwealth Avenue malapit sa U.P TechnoHub.

Agad na isinugod sa pagamutan ang drayber at konduktor ng bus na pawang nagpatago muna ng pangalan upang hindi anila mag-alala ang kanilang mga kaanak.

Ligtas na umano sa kapahamakan ang mga pasaherong nasugatan. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.